Friday, November 12, 2010

Nationalism

This is the piece I wrote for Rickzal John Gedoria (which made him win the Best in Talent award) during our Ginoo at Binibini ng Lahi pageant. :). Although I consider my self an absolute outcast of the Tagalog language, I survived. :)))

"Sa bawat tunog ng silbato, lalo kong pinapalakas ang aking loob. Sa bawat putok ng baril, lalo kong pinapaigting ang aking adhikain. At sa bawat dugo mula sa mga nasasawi, mas lumalakas ang kagustuhan kong makipaglaban at mabigyan ng katarungan at kalayaan ang bansang pilipinas.

Ako ay isang Indio. Namuhay dito sa bansang tinawag nilang Las Islas Fiipinas. Mula sa aking pagkasilang ay nakaukit na ang kahirapan sa aking kapalaran. Wala akong boses o estado sa lipunan. Hindi kami pinakikinggan. Kami ang binabalingan ng pang-aapi. Ang pag-asa ay parang mga butyl ng buhangin sa aking mga kamay. Unti unting nawawala, unti unting namamatay.

Gustuhin ko mang lumaban ay hindi ko magawa. Sino ang tutlong sa akin? Anong suporta ang makukuha ko? Unti unti, namumuo sa akin ang pagliliyab ng hangaring lumaya mula sa pag pipigos ng mga Espanyol.

Isang araw narinig ko ang aking mga ka nayon. Bihira ang mga ganoong komosyon kaya ako’y naki balita na rin. Isang grupo ang inorganisa para labanan ang mga pang-aabuso ng ng nasa gobyerno. Isang organisasyong naghahangad din tulad ko. Umaasang dadating ang araw na kami at ang bayan ay lalaya.

May takot ba ako? OO. Pero hindi ako nag atubiling sumali. Isa itong lihim na aking pinakaiingatan. Isang lihim na kailanmay hindi ko ipagkakalat sapagkat kung yaon man ay aking gagawin, parang binigyan ko na rin ang natitira kong pag-asa ng sariling kamatayan. Nang pnahong tumulo na ang dugo ko sa papel n adapt kong lagdaan, buong puso’t kaluluwa ko sinabi sa sarili na ako ay magiging isang tunay na katipunero!

Doon nagsimula ang aking pakikipaglaban. May takot man, hindi nawawala ang kagustuhan kong maging Malaya ang ating bayan. Araw araw, maraming mga katipunerong nagbubuwis ng dugo. Alam kong isang araw, marahil ako na ang susunod.

Isang araw, nabulabog ang buong campo ng biglang may umatake. Inbot ko ang aking sandata at taimtim na nanalangin. Alam kong ito na ang araw na marahil ako ay mamamatay. Lumaban ako, ibinigay ko ang lahat ng aking lakas laban sa kanila. Nang biglang natamaan ako. Duguan man aking nagawang isigaw, “sana, hindi kailanman malilimutan ng mga susunod na henerasyon ang nga buhay na inalay para sa kalayaan ng bansa. Sana mahalin din nila ang kanilang bayan at pahalagahan ang kalayaan na kailanmay hindi ko nakita. Sana nga. Sana!!!!”

The End

No comments: