
Ang nakaraan ay tuluyan nang nabura.
Mahal ko, naiisip mo ba minsan
Na possible sa aking nakaraan ay ako ay makipagbalikan?
Sumasagi ba sa iyong isipan kung ika’y mag-isa
Na baka ikaw ay ipagpapalit ko para sa kanya?
Naisip mo ba na baka ako ay may pagtingin pa
Sa taong minahal ko bago pa kita na kilala?
Na umbig ako ulit at ika’y iwanan ko
At tuluyan kong iwan ang puso mong aking binigo?
Mahal ko, making ka sa aking sasabihin,
Hanggang sa huli, ikaw lang ang iibigin.
Ang aking nakaraan, matagal nang nabura.
Nalimutan ko yun nang ika’y aking nakilala.
Ang lahat ng naramdaman ko sa kanya
Ay aking binaon at pinalipad na.
Ang lahat ng pagmamahal na aking nadarama
Ay para lang sa’yo at hindi sa kung kanino pa.
Lahat ng kaligayahan at pagmamahal, sa iyo ko nakita.
Sa kanya, buhay ko ay napuno ng lungkot at luha.
Bakit ko pagpapalit ang lalaking nagmamahal sakin ng lubos?
Sa taong di man lang pinapahalagahan ang aking pagkatao?
Mahal ko, nararamdaman ko sa’yo ay higit pa sa kanya.
O ni kanino man na aking nagustuhan noon o possible pang makilala.
Pag-ibig sa iyo ay hindi mababaw ngunit tapat at totoo.
Lahat ng sinasabi ay paninindigan, ito ay aking pangako.
Walang dapat ipangamba sa aking katapatan.
Sapagkat lahat ng pag-ibig ko ay sa iyo na ilalaan.
Mahal kita, higit sa kanino man.
Ikaw lang ang iibigin ngayon at magpakailanman.
Kaya huwag mo nang isipin ang mga tao sa aking nakaraan.
Sapagkan ang mga iyon ay binura ko na ng tuluyan.
Pinaiyak man nila ako, tinapakan, at sinaktan.
Ngunit sa iyo naman ay nakita ang tunay na kasiyahan.
Biyaya ka sa akin ng Poong Maykapal.
Isang taong magbibigay sa akin ng tunay na pagmamahal.
Mahal kita, mahal mo ako, iyan ang mahalaga.
Ngayon at magpakailanpaman, pagmamahal natin ay para lang sa isa’t isa.
Kalimutan na ang sugat na dala ng kahapon.
At harapin ang bukas ng puno ng pag-asa.
Sa piling mo, mahal ko, magiging tunay akong panatag.
Hanggang sa huling hantungan, pagmamahal sa iyo ay di matitinag.
No comments:
Post a Comment